Wikisource tlwikisource https://tl.wikisource.org/wiki/Unang_Pahina MediaWiki 1.47.0-wmf.8 first-letter Midya Natatangi Usapan Tagagamit Usapang tagagamit Wikisource Usapang Wikisource Talaksan Usapang talaksan MediaWiki Usapang MediaWiki Padron Usapang padron Tulong Usapang tulong Kategorya Usapang kategorya Manunulat Usapan sa manunulat Pahina Usapan sa pahina Indeks Usapan sa indeks TimedText TimedText talk Module Module talk Event Event talk Pahina:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/102 250 2390 21800 21589 2026-06-28T04:51:01Z Filipinayzd 17 21800 proofread-page text/x-wiki <noinclude><pagequality level="3" user="Filipinayzd" />[[Category:Tagalog]] [[Category:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag)]]</noinclude>Ang lahat nang ito’y maging alang-alang sa kapurihan nawa ng Diyos at ng inang Espanya! At pagkaalis na pagkaalis ng naghahari-hariang indiyo ay ipi- nagpapatuloy ng mga prayle ang pagtuturo, hanggang ang pamaha- laan, sa sulsol ng mga magulang, ay hindi sila tagan ng pag- tuturo. Ang pagtuturo ay isang mabigat na kasalanan, sapagka’t ito’y nagsasapanganib sa kabuuan ng inang-bayan. — Ang Ministro ng mga Lupaing Sakop sa Ibayo ng Dagat, — ang tawag, isang araw, sa Maynila buhat sa Madrid sa telepono ng prokurador ng mga prayleng Agustino — ang Ministro de Ul- tramar, sa kahilingan ng mga indiyo ay naghahandog sa ating kor- porasyon ng isang asyenda upang ang mga pare ay huwag mama- tay ng gutom at mabuhay nang may kaunting kaluwagan, An» ang isasagot sa kanya? Inihatid ito ng telepono sa kumbento ng mga prayleng Agustino. — Hesus! Hesus! Banal na Diyos, Diyos na malakas, Diyos na walang kamatayan! Huwag mo kaming ipahintulot sa anumang tukso — ang bulalasan ng lahat ng prayle nang kanilang marinig ang balita, kasabay ng pagluhod at pagtatakip ng kanilang mga tainga. — Panginoon, Panginoon — ang hibik ng Paring Probinsiyal, na dinadagukan ang kanyang dibdib. Ang kanyang pagdagok ay totohanan at hindi pakitang-tao lamang, gaya ng ginagawa ng isang nagtatangkang luminlang sa mga nananampalataya upang ang mga ito’y makunan ng ilang kuwalta. — Naipanganyaya ko ang kaluluwa ni Salvadorsito noong siya’y ipadala ko sa Madrid upang magprokurador. Siya’y lubhang mabait, lubhang mababa ang loob, totoong walang pagmamarangya, totoong tapat ang loob, totoong walang kibo, totoong malinis, totoong mapaniwalain noong siya’y naririto pa! -Ngayon, siya’y napariwara! Magmungkahi sa amin ng ganyang mga panukala . . . na lubhang makasalanan! Naku, ay! naku! ''Domine, quare dereliquisti eum,'' Panginoon, bakit siya’y iyong pinabayaan? At ang buong kumbento ng San Agustin ay naghihibikan, nag- daragukan sa dibdib at naghahampasan ang isa’t isa upang ma- kapagsisi ng kanilang kasalanan at mapabalik sa tuwid na landas ang kaluluwa ni Salvadorsito Font. {{c|93}}<noinclude></noinclude> nkmjsyki47gunb4oecocg9ddd008l6y Pahina:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/103 250 2391 21801 21590 2026-06-28T04:51:48Z Filipinayzd 17 21801 proofread-page text/x-wiki <noinclude><pagequality level="3" user="Filipinayzd" />[[Category:Tagalog]] [[Category:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag)]]</noinclude>At sa Madrid ay naririnig (sa pamamagitan ng telepono) ang kaguluhan sa kunibento ng San Agustin. At ang mabait na si Salvadorsito Font, dala ng kanyang pagkapaniwalain ay nabulalas; — Baka pa kaya ibinilanggo na ang lahat ng aking mga ka- patid dahil sa pagtanggi nilang bumasa ng mga aklat na inilalat- hala ng mga indiyo laban sa kanila — mga aklat na umaalipusta sa kanila, nguni’t may pahintulot naman ng mga may kapangya- rihan sa simbahan! Kung aalagatain ang lahat, ay mabuti nga iyon! Sino baga ang nag-uutos sa kanilang sumagot at tumugon? Kaming mga tagatulad at mga alagad ni Kristo, kung kami’y nilalait sa mga aklat, ay dapat kaming piliting bumasa ng mga ito, lalo na kung pinagkalooban ng mga indulhensiya, Dapat din kaming pagbawalang sumagot o magtanggol sa aming sarili. Para sa bagay na ito’y may panata kami ng pagpapalalo . . . Ngayon din ay sasadyain ko ang Ministro upang mamanhik sa kanyang iutos niyang ipahagupit ang sinumang pare sa aking relihiyon, na dahil sa kapalaluan ay hindi umaamen sa lahat ng bagay, at hindi gumagalang sa katotohanan. Sa ganitong paraan ay maki- kita nila, na bagama’t ako’y hangal, ay hindi naman ako kinukulang ng pagmamahal sa Katarungan. . At hinanap niya ang kanyang mga sapatos na _ butas-butas, sapagka’t ang nakasuot sa kanya ay walang suwelas. Dapat na maglakad ang mabait na Agustino hanggang sa tanggapan ng Mi- nistro, sapagka’t wala siya kahit na pambayad sa trambiya, At gayong siya’y nagpanata ng pagpapayaman! — Salvadorsito, Salvadorsito! — ang sigaw buhat sa telepono. Nakilala ni Salvadorsito ang tinig ng Prayle Probinsiyal, at siya’y nanginig, Si Salvadorsito ay lubhang masunurin. — Mag-utos po ang inyong pagkaama! — ang isinagot niya, at siya’y nanikluhod sa tabi ng telepono upang sa ganitong anyo ay lalo siyang maging mapitagan, bagama’t ito’y ipinagbabawal sa kanya ng panata ng pagpapalalo. — Bakit pinahintulutan mong ikaw ay tuksuhin ng kaaway ng kasamaan? Bakit mo ikinalugod, kahit na sa isang saglit lamang, ang panukalang tayo’y pagkalooban ng isang asyenda? Bakit, anak ko? Hindi mo ba nakita na sa panukalang iyan ay natatago ang isang silong iniumang sa atin ng kaaway? Walang pagsalang ang panukalang iyon ay nagbuhat sa sinumpang si Rizal, {{c|94}}<noinclude></noinclude> 3a90d5w2tdcvzo3wg7v3aqqxneaim1k 21802 21801 2026-06-28T04:52:16Z Filipinayzd 17 21802 proofread-page text/x-wiki <noinclude><pagequality level="3" user="Filipinayzd" />[[Category:Tagalog]] [[Category:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag)]]</noinclude>At sa Madrid ay naririnig (sa pamamagitan ng telepono) ang kaguluhan sa kunibento ng San Agustin. At ang mabait na si Salvadorsito Font, dala ng kanyang pagkapaniwalain ay nabulalas; — Baka pa kaya ibinilanggo na ang lahat ng aking mga ka- patid dahil sa pagtanggi nilang bumasa ng mga aklat na inilalat- hala ng mga indiyo laban sa kanila — mga aklat na umaalipusta sa kanila, nguni’t may pahintulot naman ng mga may kapangya- rihan sa simbahan! Kung aalagatain ang lahat, ay mabuti nga iyon! Sino baga ang nag-uutos sa kanilang sumagot at tumugon? Kaming mga tagatulad at mga alagad ni Kristo, kung kami’y nilalait sa mga aklat, ay dapat kaming piliting bumasa ng mga ito, lalo na kung pinagkalooban ng mga indulhensiya, Dapat din kaming pagbawalang sumagot o magtanggol sa aming sarili. Para sa bagay na ito’y may panata kami ng pagpapalalo . . . Ngayon din ay sasadyain ko ang Ministro upang mamanhik sa kanyang iutos niyang ipahagupit ang sinumang pare sa aking relihiyon, na dahil sa kapalaluan ay hindi umaamen sa lahat ng bagay, at hindi gumagalang sa katotohanan. Sa ganitong paraan ay maki- kita nila, na bagama’t ako’y hangal, ay hindi naman ako kinukulang ng pagmamahal sa Katarungan. . At hinanap niya ang kanyang mga sapatos na butas-butas, sapagka’t ang nakasuot sa kanya ay walang suwelas. Dapat na maglakad ang mabait na Agustino hanggang sa tanggapan ng Mi- nistro, sapagka’t wala siya kahit na pambayad sa trambiya, At gayong siya’y nagpanata ng pagpapayaman! — Salvadorsito, Salvadorsito! — ang sigaw buhat sa telepono. Nakilala ni Salvadorsito ang tinig ng Prayle Probinsiyal, at siya’y nanginig, Si Salvadorsito ay lubhang masunurin. — Mag-utos po ang inyong pagkaama! — ang isinagot niya, at siya’y nanikluhod sa tabi ng telepono upang sa ganitong anyo ay lalo siyang maging mapitagan, bagama’t ito’y ipinagbabawal sa kanya ng panata ng pagpapalalo. — Bakit pinahintulutan mong ikaw ay tuksuhin ng kaaway ng kasamaan? Bakit mo ikinalugod, kahit na sa isang saglit lamang, ang panukalang tayo’y pagkalooban ng isang asyenda? Bakit, anak ko? Hindi mo ba nakita na sa panukalang iyan ay natatago ang isang silong iniumang sa atin ng kaaway? Walang pagsalang ang panukalang iyon ay nagbuhat sa sinumpang si Rizal, {{c|94}}<noinclude></noinclude> b8jemoln1pd9ya16ipdisjjv5eys17z