Orxata
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa inuming Latinoamerikano, tingnan ang Horchata.
Ang orxata de xufes (bigkas [or·shá·ta de shú·fes]) o simpleng orxata ay isang inuming Kastila na gawa sa tigernuts, tubig, at asukal. Orihinal itong nagmula sa València at iniinom nang malamig na malamig bilang pamawing-uhaw. Mayroon itong regulating council upang tiyakin ang husay ng produkto at ang mga bayan kung saan ito maaaring magmula ayon sa Denominació d’Origen (Inggles: Denomination of Origin). Kilala ang bayan ng Alboraia sa husay ng kanilang mga orxata. Nagmula ang idea ng paggawa ng orxata mula sa tigernuts noong panahong Muslim sa València (ika-8–ika-13 dantaon).