Wikibooks
tlwikibooks
https://tl.wikibooks.org/wiki/Unang_Pahina
MediaWiki 1.47.0-wmf.3
first-letter
Midya
Natatangi
Usapan
Tagagamit
Usapang tagagamit
Wikibooks
Usapang Wikibooks
Talaksan
Usapang talaksan
MediaWiki
Usapang MediaWiki
Padron
Usapang padron
Tulong
Usapang tulong
Kategorya
Usapang kategorya
Pagluluto
Usapang pagluluto
Wikijunior
Usapang Wikijunior
TimedText
TimedText talk
Module
Module talk
Event
Event talk
Florante at Laura/Kabanata 10/Paliwanag
0
1982
28904
28542
2026-05-26T04:01:06Z
~2026-31373-36
5303
Fixed typo
28904
wikitext
text/x-wiki
{{Florante at Laura|paliwanag|10| A = Pagtatagumpay ng Bagong Marte
| B = Sa Harap ng Panganib
| K = Habag sa Moro
| Nilalaman =
----
[[Image:Roman soldier end of third century northern province - cropped.jpg|right|Isang [[:w:dula|pagdurula]] ng isang [[:w:sundalo|sundalong]] [[:w:Imperyong Romano|Romanong]] humahawak ng dalawang [[:w:sibat|sibat]] at isang [[:w:kalasag|kalasag]]|thumb]]
Habang nanaghoy si [[Florante]], nahubog si [[Aladin]], at sa huli, hindi na niya natiis si Florante. At dahil doon, sunod niyang ginawa ang agarang paghahanap kay Florante gamit ang boses niyang nananaghoy upang matunton siya, at ang kanyang [[:w:patalim|patalim]] naman upang alisin ang mga harang ng kagubatan sa kanyang landas kagaya ng mga sanga at dahon. Hindi siya tumigil hanggang hindi niya natutunton ang pinagmumulan ng mga panaghoy. Nang ginawa niya ang lahat ng ito, [[:w:paglubog ng araw|lumulubog na ang araw]]; nagpapahiwatig na [[:w:hapon (panahon)|hapon]] na.
Nang malapit nang narating ni Aladin ang kinagagapusan ni Florante, siya ay napaluha sa lumiligid na hirap kay Florante. Ang hirap na ito ay maaaring ang mga [[:w:leon|leong]] mayroong kakayahang patayin si Florante, at/o ang mismong gubat.
Pagkatapos nito, siya ay napaatras, at nagbangis naman ang mga leon. Sumunod dito naghandang maglabanan ang tatlo: si Aladin at ang dalawang leon. Unang ipinangalisag ng leon ang ng kanyang balahibo, at pinatindig ang buntot, na nagpabangis ng anyo ng leon. Sunod namang itinaas ng leon ang kanyang kamay upang dakmain si Aladin, na inihambing kay [[:w:Marte|Marte]], ang [[:w:mitolohiyang Romano|Romanong]] [[:w:diyos|diyos]] ng [[:w:pakikipagdigma|pakikipagdigma]], ngunit siya ay nakailag. Inusig naman ni Aladin ng mga [[:w:taga|taga]] ang mga leon, na inihambing kay [[:w:Apolo|Apolo]], isang diyos ng [[:w:mitolohiyang Griyego|mitolohiyang Griyego]] at Romano, sa pananagupa niya sa [[:w:Piton (mitolohiya)|Piton]], isang [[:w:dragon|dragon]] sa mitolohiyang Griyego. Sa huli, pinatay ni Aladin ang dalawang leon gamit ang kanyang [[:w:sibat|sibat]] at [[:w:kalasag|kalasag]].
Matapos niyang patayin ang dalawang leon, pinuntahan niya naman si Florante upang patirin ang lubhang matibay na lubid na gumagapos sa kanya gamit ang kanyang [[:w:espada|espada]]. Nang napatid niya na ang lubid na gumagapos kay Florante, nawalang-malay si Florante kaya kinalong ni Aladin, at nahabag. Si Aladin ay takang-taka kay Florante ngunit siya ay napayapa na noong nagising na siya.}}
gs2z0y7hewa0kakgsl7lb5hpv1jr6a7
Florante at Laura/Kabanata 11/Paliwanag
0
1989
28905
28348
2026-05-26T04:06:35Z
~2026-31373-36
5303
/* */ Fixed typo
28905
wikitext
text/x-wiki
{{Florante at Laura|paliwanag|11| A = Habag sa Moro
| B = Pagtatagumpay ng Bagong Marte
| K = Paglingap ng Persyano
| Nilalaman =
[[Image:Arabpipe.jpg|right|thumb|Isang [[:w:arabo|Arabo]] sa katutubong pananamit]]
==Buod==
Sa simula ng kabanatang ito, nagising si [[Florante]] sa pagkakaiglip habang nakalungayngay; ito ay dahil [[:w:kalawang-malay|hinimatay]] si Florante matapos siyang iligtas ni [[Aladin]] sa [[Florante at Laura/Kabanata 10|huling kabanata]]. Sunod namang nangyari ang paghihimutok at pananaghoy ni Floranteng humihingi ng tulong mula kay [[Laura]], at ang muling pagkawalang-malay niya, na ikinabahala naman ni Aladin, at naghintay hanggang mapayapa si Floranteng kanyang kandong.
Nang mabalikang-malay na si Florante, namalayan niyang siya ay nasasakamay ng isang [[:w:Moro|Moro]], isang bagay na madaling nakikilatis sa kaibahan ng pananamit-Moro lalo na noong sinaunang panahon, ikinabahala niya ito at nagpumilit alisin ang kanyang nanghihinang katawan palayo kay Aladin ngunit agad namang ipinayapa ni Aladin si Florante, at ipinahayag na siya ang sumaklolo sa kanya mula sa mapait na kapalaran. At dahil dito, nagpasalamat si Florante kay Aladin, at sinabing kundi siya iniligtas ay malamang "nalibing na" "sa tiyan ng [[:w:leon|leon]]".
==Alitang [[:w:Kristiyano|Kristiyano]]-[[:w:Muslim|Muslim]]==
Kagaya ng sinabi sa naunang seksyon, pilit inilalayo ni [[Florante]], isang [[:w:Kristiyano|Kristiyanong]] [[:w:Albanes (pangkat etniko)|Albanes]], ang kanyang nanghihinang katawan noong una niyang paglingap mula kay [[Aladin]], isang [[:w:Persiyano (pangkat etniko)|Persiyanong]] [[:w:Muslim|Muslim]]; ito ay dahil karaniwang itinuturing sa mga pagsasalaysay ang mga Kristiyano at Muslim bilang magkakaaway, bunga ng matinding alitan sa pagitan ng dalawang [[:w:relihiyon|relihiyon]] simula pa noong naitatag ang [[:w:Islam|Islam]].}}
3yib65soy21um9z2ku50ukx4ts4r6iv