NHK
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang NHK (日本放送協会, Nippon Hōsō Kyōkai) o ang Japan Broadcasting Corporation ay ang pambansang pampublikong brodkaster ng bansang Hapon. Sa ngayon, ang NHK ay nagpapatakbo ng dalawang serbisyong terestyal na telebisyon (NHK - General TV at NHK - Educational TV), tatlong serbisyong pang-satelayt (NHK BS-1, NHK BS-2 at NHK BS-hi), at tatlong ugnayan ng radyo (NHK Radio 1, NHK Radio 2 at NHK FM). Para sa mga nasa ibayong dagat, mayroon din silang serbisyo na NHK World. Binubuo ang NHK World ng NHK World TV, NHK World Premium, ang shortwave na serbisyo ng radyo NHK Radio Japan at ang website nito sa internet. Ang serbisyong shortwave nito ay kilala din sa impormal na pangalang Radio Tokyo.
[baguhin] Kasaysayan
Itinatag ang NHK noong 1926, ihinulma pareho sa BBC ng Inglatera. Inilunsad ang pangalawang ugnayan ng radyo noong 1931 at ang serbisyong shortwave noong 1935. Noong Nobyembre 1941, ininasyonalisa ng Hukbong Imperyal ng Hapon ang lahat ng pampublikong ahensyang pambalita. Kaya't ang lahat ng nailathala at naibrodkast na mga balita noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay mga opisyal na anunsyo mula sa militar.
Nagsimula ang serbisyong pantelebisyon nito noong 1953. Ang unang brodkast na may kulay ay sumahimpapawid noong 1960. Bagama't NHK ang naglunsad ng komersyal na brodkast sa Hapon, binabayaran ngayon ang NHK ng mga viewer fee. Ang mga residente ng Hapon na nagmamay-ari ng telebisyon ay obligadong magbayad ng fee na nagkakahalaga ng USD12 o PHP5800 buwan-buwan (¥1,290.83 buwan-buwan o ¥15, 490 taon-taon) sa ilalim ng Batas ng Brodkasting. Subalit hindi sila nagpapataw ng parusa sa sinumang hindi nakapagbayad.
Sumahimpapawid ang NHK World TV noong 1995. Lumipat ang buong ugnayan ng NHK sa digital na brodkasting noong 2000.